Takipsilim
Ito ay para sa aking Lola na pinalaki ako'ng puno nang pagmamahal. Siya ay walumpu't pito taong gulang na, at alam ko na maa-aring malapit na ang tapos nang kanyang istorya, kaya nais ko na iparamdam kay lola kung gaano ko sya kamahal. Gusto ko ibalik ang kabaitan at pag-aaruga na ibinigay ni Lola sa akin. Gusto ko na masaya si Lola at wala nang iniisip na problema sa kanyang buhay.
Si Lola ang isa din sa mga dahilan kung bakit hindi ako napupunta sa masamang landas. Ginagabay nya ako at tinuturuan ng tamang leksyon ss buhay. Isa din si Lola sa mga nakatulong sa aking pag-aaral. Tanda ko pa noong bata ako na kapag gusto ko na pumunta sa bahay nang aking kaibigan ay kailangan ko na bigkasin ang multiplication table kay Lola. Kaya noong nagsimula na ako mag-aral ng elementarya ay hindi ako nahirapan sa Matematika.
Para sa akin ay si Lola ang pangalawang nanay sa aking buhay, at laking pasalamat ko na tinuruan ako ni Lola nang magandang asal, ngayon ay lumaki ako na mayroong mabuting moral.



0 Comments