Kung Hindi Ukol, Hindi Bubukol.
"Matutong mag move on"
Ang ibig sabihin ng kasabihang ito ay may kanya-kanyang landas ng buhay ang bawat tao. Huwag mong gayahin kung ano ang ginawa ng ibang tao na nagwagi sa buhay. Mayroon tayong lahat kanya-kanyang talento, maaring hindi umukol saiyo subalit nauukol sa iba, kumbaga may kanya-kanya tayong landas na plano ng Diyos sa atin, at hindi sa lahat ng pagkakataon ay gagana sa atin ang ginawa ng iba.
Gawing huwaran ang mga taong nagwagi, at kumuha ng inspirasyon, matuto sa mga pagkakamali nila. Sundin mo ang sarili mong kalooban sa pagtahak ng iyong landas. Huwag mong pakinggan ang sinasabi ng iba na dapat mong tahakin, humingi ka lamang ng payo, ngunit sarili mo parin ang desisyon mo saiyong buhay.
Sa madaling salita, buhay mo iyan at kung ano ang mangyari sa hinaharap ay iyong kahinatnan. Kaya mahalagang mag desisyon ka ng maayos para sa iyong hinaharap, sapagkat gumigising ka araw-araw para sa iyong trabaho, at mahalagang kontento ka saiyong ginagawa at narating. I-isa lamang ang buhay natin maganda na narating natin ang gusto natin maging at nakamtan natin lahat ng pangarap natin.


0 Comments