Kapag May Itinanim, May Aanihin


     Ang ibig sabihin ng kasabihang ito ay, ang taong gumagawa ng aksyon upang makamit ang kanyang pangarap ay tiyak na makakamit ito. Gaya ng pag-aaral natin simula pagkabata ay tinatanim na natin sa utak natin ang mga bagong kaalaman na ating natutunan. Pagtapos natin ng kolehiyo ay magagamit natin ang mga napag-aralan natin upang maisakatuparan ang ating mga pangarap. 


       Sa madaling salita, ang bawat aksyon na ating ginagawa ay may kinalalabasan, at ang bunga ng ating mga aksyon ang ating inaani. Kaya't kung mayroon ka na nais makamtan o matupad ay dapat ka munang gumalaw, gawan mo ng aksyon, bigyan mo ito ng tiyaga at oras, sapagkat walang mangyayari kung puro bibig lang ang ating gagamitin ngunit wala tayong aksyon na ginagawa. 


        Lahat nang mga naging matagumpay sa laban ng buhay ay dumaan muna sa paghihirap, nagsikap sila na makagawa ng diskarte sa buhay at naglaan ng buong oras nila upang mapalago ang kanilang sarili. Kaya dapat bago tayo gumawa ng aksyon patungo sa ating mga pangarap ay dapat muna paunlarin ang ating sarili at hasain ang mga kahinaan na mayroon tayo, upang bumunga ang bagong sarili at magwagi sa hinaharap.