Ang Pag-aaruga ng Magulang
Si Carl ay isinilang sa Lungsod ng Pasig. Laking tuwa nang kanyang mga magulang, isang bata na makapagbibigay nang kagalakan sa kanilang buhay. Pinagsikapan nilang mapalaki ng maayos si Carl, at bigyan siya nang maayos na nutrisyon at magandang edukasyon. Tinuruan nila ng magandang asal at maayos na pananaw sa buhay si Carl upang hindi mapasama ng landas ang kanyang tatahakin.
Mabilis na lumipas ang panahon at malaki na si Carl. Ngayong binatilyo na sya ay meron narin siyang ambition sa buhay, at ito ang maging nurse. Humingi siya ng suporta sa kanyang mga magulang at inspirasyon upang matupad ang kanyang pangarap. Humingi siya ng payo sa kung papaano nya tatahakin ang kanyang hinaharap. Nang hingi siya ng tulong sa kanyang mga magulang kung anong paaralan ang magandang pasukan bilang nurse, bilang paghahanda sa kolehiyo.
Laking pasalamat ni Carl sa tulong at suporta na ibinigay ng kanyang pamilya sa kanya. Tinulungan nila na makapag-desisyon ng tama si Carl at tinuruan ng tamang diskarte sa buhay. Nais ni Carl na ibalik ang utang na loob na natanggap niya sa kanyang pamilya



0 Comments