Para Sa Kinabukasan
Madaming trabaho sa panahon natin ngayon na mayroong mataas ng quality standards pagdating sa paghahanap ng employee's. Isa din sa kwalipikasyon na kailangan ay ang pagkakaroon ng kakayahan na makapagsalita ng Ingles. Pagdating sa pag-aaral, maaga palang ay tinuturuan na tayo na magkaroon ng kakayahang makapagbasa at salita ng Ingles. Kung hindi tayo nakapagtapos ng pag-aaral ay maaring mababaw lamang ang taglay nating kaalaman sa pagsalita ng Ingles. Kaya mahalaga na magtapos ng kolehiyo upang mahasa pa ang ating kaalaman at kakayahan sa pagsalita ng Ingles.
Sa madaling salita, lahat tayo ay may pangarap na nais nating makamtan o marating at sa pamamagitan nang pagtapos sa kolehiyo ay matutupad natin ito. Pera ang kailangan natin upang mabuhay at maka angat sa kalagayan ng ating buhay. Lung hindi tayo magtatapos sa kolehiyo ay mananatili lamang tayo sa mababang kalagayan ng buhay.



0 Comments